By #InsulinPlantAtbp
Noong nagtatanim pa po ako ng mga gulay-gulay, ako mismo ang gumagawa ng aking organic soil/fertilizer para sa aking mga pananim. At sa pagkakataong ito, gusto ko pong ibahagi sa inyo kung paano ko iyon ginagawa noon. Ito ay magagamit natin ngayon sa pag-aalaga ng ating mga #BabyLins o mga batang Insulin Plant.
Yan pong nakikita nyo sa nakalakip na picture, pang maramihan po yan kaya ganyan kalaki. Ang atin lang pong gagawin... o inyo palang gagawin, ay pang maliit na taniman lang (bakit nga ba pala sasama pa ako sa inyo e nakagawa na ako, bahala naman na kayo a :-P).
Para magka-idea po kayo sa composition niyan (dahil alam ko naman, na may nag-iisip na naman ng "naku, heto na naman 'to, ang haba na naman 'to"), iyan po ay binubuo ng:
++ mga maliliit na sanga-sanga ng mga kahoy at ng mga damong malalaki;
++ mga hilaw na dahon-dahon at yung mga damong tinanggal ko mismo sa gagawing taniman;
++ abo na galing sa de-kahoy na kalan ay sa mga pinagsunugan ng mga basu-basura;
++ tuyong mga dahon-dahon at mga papel-papel na napulot na ikinalat ng mga bata;
Teka muna, parang nahalata ko a, bakit parang naguulit-ulit ang mga sinasabi ko? Gulay-gulay, sanga-sanga, dahon-dahon, basu-basura, papel-papel... Hmmm, hindi maganda ito a, bakit naguulit-ulit? Hala! Hayun na naman!
A ba'la ka diyan! Itutuloy ko na nga lang yung sinasabi ko kanina.
++ chicken manure o mga tae ng manok;
++ mga bulate na nakita ko habang naglilinis;
++ tubig at pangkaraniwang lupa.
Ay, ang haba na naman pala... Ituturo ko pa sana kung paano inihahanda e, kaso, ang haba naman na, magrereklamo na ang mga tinatamad magbasa.
So paano yan, e di itutuloy ko na lang sa ibang pagkakataon. Di man siguro bukas, di pa rin ngayon, pangakong tatapusin din --pagdating ng panahon.
Ngya hahahaha! :-D Good morning mga suki!
#LalakingIpis
(Una nang na-publish noong October 18, 2018 sa fb page ng Insulin Plant, atbp. - Tarlac)
* Paki-share po kung nakatulong ang article na ito.
** Paki-like na rin ang aming fanpage para patuloy na makatanggap ng mga updates.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
COMPOSTING, PAGGAWA NG ORGANIC SOIL/FERTILIZER - Part 3
By #InsulinPlantAtbp Habang inuubos itong tsaa na gawa sa dahon ng Insulin Plant, ituloy na natin ang pagtalakay sa kung paano gumawa ng o...

-
By #InsulinPlantAtbp Noong nagtatanim pa po ako ng mga gulay-gulay, ako mismo ang gumagawa ng aking organic soil/fertilizer para sa aki...
-
By #InsulinPlantAtbp Bago pa magkalimutan, itutuloy ko na po yung pagtalakay sa paggawa ng organic soil/fertilizer. Maglalaba pa ako mamay...
No comments:
Post a Comment